5

10 patay sa lindol sa Indonesia

Sharing is caring!

Isang malakas na 6.4 magnitude na lindol ang tumama sa isang tourist destination sa Lombok, Indonesia na ikinasawi ng 10 katao at pagkasugat ng maraming iba pa.

Ayon sa report, agad na nagsilabas sa kanilang mga tahanan ang mga tao gayundin ang mga guest sa mga hotel matapos yanigin ng malakas na lindol ang lugar na sinundan ng 60 aftershocks.

Mahigit 24 katao ang nasugatan sa insidente at isang bahay ang nawasak sa North Lombok.

Pansamantalang isinara ng awtoridad ang daannan sa Mount Rinjani sa pangambang magkakaroon ng pagguho ng lupa sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?