ABANTE TNT maguindanao patay militar ph
By

10 patay sa bakbakan ng BIFF, militar sa Maguindanao

Sharing is caring!

Sampu ang patay sa engkwentrong naganap sa pagitan ng tropa ng gobyerno at miymebro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Unsay, Maguindanao noong Sabado ng gabi.

Sa report ng dzBB, sinabi ni Captain Arvin Encinas, ng 6th Infantry Division, na isa sa mga namatay ay miyembro Philippine Army.

Narekober naman ng militar ang limang katawan ng napaslang ng miyembro ng BIFF. Isang sundalo din ang nasugatan sa bakbakan.

Nangyari ang insidente sa Barangay Maitumaig dakong alas 7 ng gabi kung saan naglunsad ng aistrike ang militar laban sa mga bandido.

Mahigit sa 50 BIFF ang nakaengkuwentro ng militar, ayon kay Encinas. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?