19

Jul 19, 2021 @ 17:30
By

10-palapag na iskul itatayo sa Tondo

Isang bagong Rosauro Almario Elementary School ang itatayo sa Kagitingan Street sa Tondo, Manila.

Magkakaroon ng 227 classroom, 12 opisina, isang library, isang auditorium at isang gymnasium ang 10-storey building ng Almario ES, kung saan nagtapos ng elementarya si Mayor Isko Moreno.

Naglaan ang city government ng P1.9 bilyon para sa konstruksyon ng gusali, na magkakaroon din ng dalawang outdoor basketball court na maaaring gawing football field at walong elevator.

Kabilang ang Rosauro Almario Elementary School sa tatlong public school sa Maynila na isasailalim sa modernisasyon, na magiging fully airconditioned.

Taong 1967 itinayo ang Almario ES, na ipinangalan sa isang Filipino writer na isinilang sa Tondo at nagtrabaho sa gobyerno.

Maliban sa Almario ES, aayusin din ang Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Sampaloc at Manila Science High School sa Taft Avenue.

Sabi ni Moreno, ngayon ang tamang panahon upang isasailalim sa modernisasyon ang mga paaralan habang wala pang face to face class.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?