670

By

10 pagkain na bawal sa may high blood

Sharing is caring!

Alam n’yo bang marami palang mga pagkain ang hindi dapat na kainin ng mga taong may sakit na high blood o may mataas na presyon ng dugo?

Kapag matigas kasi ang ulo at ipinagpatuloy pa ang pagkain ng mga ito ay tiyak na aabot ka pa sa ilang malalang sakit na tulad ng stroke at sakit sa bato kung talagang nagpabaya sa sarili.

Kaya naman, iwas na sa pagkain ng mga bawal para maging maayos ang kalusugan. Alam nating masarap ito pero bawal o maaari naming kumain subalit konti lamang. Narito ang ilang tip na pagkain at inumin na mabuting iwasan upang humaba pa ang buhay.

1. Processed meats – Ang mga naprosesong karne gaya ng ham, bacon, salami, longanisa at tapa ay pare-parehong may mataas na taglay na sodium. Ito kasi ang pangunahing sangkap para mapreserba at magtagal ang karne. Kung nakakaranas ng mga sintomas ng altapresyon gaya ng pagkahilo, at pag-init na pakiramdam, mabuting itigil na kaagad ang pagkain sa mga ito.

2. Daing – Alam naman natin na mahilig ang mga Pinoy sa isdang pinatuyo na tulad ng tuyo, danggit, daing, at iba pa. Sa kasamaang palad, ang mga ito nilagyan ng maraming asin upang mapreserba. Asin na kalaban ng may high blood kaya iwas na lang

3. Mga delata at instant noodles – Ang ilang mga delata gaya ng sardinas at mga instant ulam ay kadalasang maalat at nakapagpapalala sa kondisyon ng may altapresyon. Ang mga seasoning na kalakip ng mga instant noodles naman ay may mataas din na lebel ng MSG at asin. At alam naman nating lahat na ang dalawang sangkap na ito ay malakas makapagpataas ng presyon ng dugo.

4. Matabang karne – Ang matatabang karne ng baboy at baka ay parehong nagdadala ng nakakasamang taba (fats) sa katawan ng tao. At ang mga fats na ito ay nakakakontribyut din sa paglala ng kondisyon ng may altapresyon

5. Chinese food – Kadalasan, ang mga pagkaing nabili sa mga Chinese restaurant ay maalat. Ngunit bukod sa pampalasang asin, malimit din lagyan ng monosodium glutamate (MSG) ang mga ganitong uri ng pagkain. Ang MSG ay nakapagpapataas din ng presyon ng dugo, kaya marapat lang din na iwasan ang mga pagkaing ito. Alamin ang mga posibleng epekto ng MSG sa pagkain: Ligtas ba ang paggamit ng vetsin sa pagkain.

6. Sitsirya – Ang mga sitsirya na mabibili sa mga pamilihan ay dapat ding iwasan sapagkat ang mga ito ay talaga namang maalat. Minsan pa, mataas din ang taglay na MSG ng mga ganitong uri ng pagkain.

7. Whole fat milk – Bagaman kinakailangan ng katawan ang regular na suplay ng calcium mula sa gatas, ang gatas na may mataas na lebel ng animal fat ay maaari namang makasama sa mga taong dumaranas ng kondisyong altapresyon. Piliin ang mga non-fat o low-fat milk kung dumadanas na ng sakit.

8. Maalat na sawsawan – Ang mga Filipino ay likas na mahilig sa mga sawsawan gaya ng toyo, patis, at bagoong. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay kadalasang may mataas din na lebel ng sodium na nakapagpapataas sa presyon ng dugo.

9. Alak – Ayon sa mga pag-aaral, ang pag-inom ng mga inuming may alkohol ay nakakapagpataas din ng presyon ng dugo. Bukod pa rito, maaari ding masira ang mga pader ng mga ugat na daluyan ng dugo na maaari ding makapagpalala sa komplikasyon na maaaring maranasan. Kaya nga Drink Moderately!

10. Kape – Ang kape pati na rin ang iba pang inumin na may caffeine ay maaaring makapagpataas sa presyon ng dugo. Ang pag-inom ng isang tasang kape ay kayang pataasin nang pansamantala ang presyon ng dugo bilang ito ay epekto ng caffeine na matatagpuan sa kape. Bawasan na lamang kung maaari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: