67

Oct 26, 2020 @ 22:30
By

10% ng dolomite sa Manila Bay inanod – DENR

Humigit-kumulang sampung porsiyento ng dolomite sand ang inanod sa dagat dahil sa mga malalakas na pag-ulan, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Lunes.

Sa ulat sa telebisyon, sinabi ni Environment Undersecretary Jonas Leonos na inanod din ang black sand at pumatong sa artificial white sand sa Manila Bay.

“May discoloration kasi ‘yong black sand niya pumapatong doon dahil sa lakas ng wave, dinadala ‘yong black sand, ‘yong regular sand, but this is a clean sand naman eh,” paliwanag ni Leones.

Anang opisyal, maglalagay na ang DENR ng dolomite sand sa tubig para kapag lumakas ang alon ay hindi black sand ang dadalhin ng tubig kundi white sand.

Magugunitang binatikos ang proyektong pagbubuhos ng artipisyal na puting buhangin sa Manila Bay dahil aanurin lang umano ito kalaunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?