108

Jul 31, 2018 @ 19:40
By

10 miyembro ng PDP-Laban sisipain ni Pimentel

Hanggang 10 kasapi ng partidong PDP Laban ang maaring sipain dahil sa hindi otorisadong pulong at eleksyon noong nakaraang Biernes.

Sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na lima ang kilala na nya habang ang iba pa ay natukoy ng mga lehitimong kasapi ng partido.

“May nakilala akong limang mukha, pina-check ko nga sa headquarters, sabi nila five to 10 ang kasama,” ani Pimentel.

Nung Biernes, nagdaos ng national assembly sa Amoranto Stadium sa Quezon City ang halos isang libo na nagpakilalang kasapi ng PDP Laban at nagsagawa ng panibagog eleksyon.

Pinalitan si Pimentel bilang pangulo ng partido at si dating Hoouse Speaker Pantaleon Alvarez bilang secretary general.

Si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang hindi ginalaw bilang chairman ng partido.

“Up to expulsion because this is an act inimical to the party, using in an unauthorized way the name of the party,” dagdag ni Pimentel.

Samantala, kahit may nanggugulo sa partido, matatag pa rin umano ito at sa katunayan, nasa 93,000 ang kasapi ng partido at may 300,000 libo pa ang nag aapplay.

Sa alam din ni Pimentel nananatili pa ang alyansa ng PDP Laban sa ibang partido kabilang ang Liberal Party, Nacionalista Party, Nacionalist Peoples Coalition at National Unity Party.

Samantala, may pulong ang partido sa Huwebes dahil gusto diumano ng ilang kasapi na palitan ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo si Alvarez bilang secretary general ng PDP Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?