77

Dec 26, 2017 @ 12:04

10 miyembro ng BIFF patay sa Maguindanao airstrikes

Mahigit sa 10 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang namatay sa isinagawang airstrike ng militar sa Maguindanao noong araw mismo ng Pasko.

Isinagawa ang opensiba matapos lusubin ng mga bandido ang Kato Deatchment ng 57th Infantry Battalion ng Army sa Sitio Makun, Barangay Maitumaig, bayan Datu Unsay town alas-10 gabi noong Lunes.

Agad na pinalipad ang dalawang attack helicopters at binomba ang posisyon ng mga bandidong BIFF, gamit ang 105mm Howitzer cannons.

Tumagal ang airstrikes ng apat na oras na natapos alas-2 ng madaling araw.

Kinumpirma ng mga lider ng Tedurays sa Barangay Maitumaig na 10 kasapi ng BIFF ang namatay sa airstrike at maraming iba pa ang sugatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?