21

By

10 milyong OFWs, pinuri ng DFA

Sharing is caring!

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na kabilang sa mga pangunahing prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan ng 10 milyong Pinoy na nagtatrabaho sa iba’t ibang dako ng mundo.

Aniya, patuloy nilang kinikilala ang malaking kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng bansa, sa pamamagitan ng kanilang mga sakripisyo.

Nasa Hong Kong si Cayetano para pangunahan ang paggunita ng Overseas Filipinos Month.

“We cannot thank them enough for the important role they play in transforming the Philippines into one of the fastest growing economies in the world,” patukoy ni Cayetano sa mga OFW.

Ibinahagi nito na nakikipagtulungan sila sa Department of Labor para mapagbuti at mapabilis ang pagbibigay-tulong sa mga Filipino sa ibang bansa. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?