102

Jan 4, 2018 @ 8:43
By

10 Mandaluyong police tablado sa PAO

Tablado sa serbisyo ng Public Attorney’s Office (PAO) ang 10 Mandaluyong pulis at barangay tanod na sangkot sa naganap na pamamaril noong nakalipas na Disyembre 28, na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang katao sa Shaw Boulevard.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, sa halip ang dalawang sibilyan na nasugatan sa insidente ang bibigyan nila ng legal assistance.

Nabatid na sa ordinaryong kaso ay ipinagtatanggol ng PAO ang mga pulis pero nasa mandato rin nila na bigyan ng legal assistance ang mga mahihirap.

Gayunman nilinaw ni Acosta na hindi sila mamili ng idedepensa sa pinakahuling kontrobersiyang kinasangkutan ng Philippine National Police (PNP).

“It was the survivor in the shooting who was first to seek our assistance. Mr. Eliseo Aluad was referred to us by members of the media,” pahayag ni Acosta.

Nabatid kay Acosta, na nakatakda siyang makipagkita kay Aluad para pag-usapan ang kasong isasampa laban sa mga pulis at barangay tanod.

Si Aluad ay kabilang sa dalawang sibilyan na nasugatan sa naganap na insidente, kasama si Danilo Santiago, Jr.

“We cannot represent both parties in the same case because that would be conflict of interest on our part,” dagdag pa ni Acosta.

Sanhi nito mapipilitan ang mga pulis at barangay tanod na kumuha ng sarili nilang abogado. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?