5

Oct 18, 2020 @ 9:20
By

10 lindol naitala sa Bulkang Kanlaon

10 lindol ang naitala sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras mula Sabado hanggang ngayong Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, nagpakawala rin ang bulkan ng katamtamang usok na umabot sa 400 metro ang taas.

Naglabas din ito ng sulfur dioxide (SO2) sa average na 656 tonelada kada araw noong Oktubre 13. Ang SO2 ang nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan.

“These parameters may indicate hydrothermal or magmatic processes occuring beneath the edifice,” ayon pa sa Phivolcs sa 8AM bulletin nito, Oktubre 18.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alangan pa rin itong kalagayan at pumasok na sa “period of unrest”.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Kanlaon, dahil maaari anilang maganap ang biglaan at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?