22

Jun 20, 2020 @ 15:26
By

10 lalawigan sa ‘Pinas, nananatiling malinis sa COVID-19

Lumabas sa datos ng Department of Health (DOH) na sampu sa 81 probinsya sa bansa ang COVID-free pa.

Batay sa DOH COVID-19 tracker, ito’y ang Quirino, Batanes, Aurora, Palawan, Masbate, Siquijor, Guimaras, Zamboanga Sibugay, Dinagat Islands at Tawi-Tawi.

As of 4PM, June 19, kabuuan nang 28,459 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa, 7,378 ang nakarekober habang 1,130 ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?