134
marijuana-
Jul 29, 2018 @ 13:32
By

10-kilo ng marijuana nakumpiska sa Kalinga

Muli na namang nakakumpiska ng mga pinatuyong dahon ng marijuana ang Kalinga PNP matapos masabat sa isang checkpoint ang may 10 kilo ng marijuana mula sa isang turista, kamakalawa sa Barangay Bugnay, Tinglayan, Kalinga.

Batay sa report ng Kalinga Police, pinahinto mula sa checkpoint ang isang Toyota Vios sakay ang mga suspek na sina Eric Hans Fadino, Jaryd Lumawig at Nelson Porugal II, pawang mga residente ng Quezon City at napag-alamang nagtutulak ng damo sa ilang bahagi ng QC.

Umaabot sa halagang P1.2 milyon ang nakumpiskang marijuana mula sa tatlong tulak.

Dagdag pa nito, noong Lunes din ay mayroong apat na turista ang nakuhaan din ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Bontoc, Mountain Province na nahuli sa checkpoint.

Nabatid na umaangkat ng dahon ng marijuana ang ilang tulak sa Tinglayan, Kalinga na kung saan ay talamak ang bentahan ng damo at taniman ng marijuana. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?