306

Oct 30, 2017 @ 17:44

10 katao arestado sa pagsusugal

May 10 na katao ang hinuli sa magkakahiwalay na operasyon laban sa sugal sa mga lungsod ng Parañaque at Las Piñas.

Inaresto sa paglalaro ng tong-its sina Kristina Rosales, 30; Marieta Quimio, 57, at Arlene dela Cruz, 54, pawang mga residente ng Zapote sa Las Piñas, alas-2:30 ng hapon.

Samantala, dahil naman sa paglalaro ng mahjong sa nasabi ring lugar hinuli sina Ruel Go, 52; Rosauro Dimaapi, 49; Jhelen Ralusta at Lope San Jose, 33.

Sa Parañaque City naman ay hinuli sina Florentino Rayos, 65; Redentor Jimenez, 52 at Julius Padua, 58, mga residente ng Barangay Sun Valley dahil din sa tong-its.

Ang mga inaresto dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 ay nakumpiskahan ng mga baraha, perang pantaya at iba pang gambling paraphernalia. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?