54

Sep 14, 2021 @ 19:12
By

10 kapamilya ni Angel tinamaan ng COVID

Binunyag ni Angel Locsin na sampung miyembro ng pamilya niya ang tinamaan ng coronavirus.

Kasunod ito ng pagkumpirma niyang positive sa virus ang 94-anyos niyang amang si Angelo Colmenares.

Ang sampung miyembro raw ng pamilya niya na may COVID ay nakatira sa magkakahiwalay na bahay.

“Thank you for the prayers. I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember. I just needed to air out yesterday, 10 members of the fam from separate houses got COVID,” aniya sa Instagram Stories.

“Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?