35
ABANTE judicial and bar council jbc
By

10 kandidato sa pagka-mahistrado, pasok sa shortlist ng JBC

Sharing is caring!

Sampung pangalan ang kasama sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) na pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte para hiranging bagong mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ay para sa nalalapit na pagreretiro ni Associate Justice Noel Tijam sa January 5, 2019.

Nanguna sa shortlist ang mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) na sina CA Justices Manuel Barrios, Japar Dimaampao at Amy Lazaro-Javier na pare-parehong nakakuha ng anim na boto.

Tig-limang boto naman ang nakuha nina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, CA Justices Ramon Cruz, Ramon Garcia at Mario Lopez.

Pasok din sa shortlist si Court Administrator at Supreme Court Spokesperson Jose Midas Marquez, CA Justice Apolinario Bruselas at dating Ateneo Law Dean Cesar Villanueva na nakakuha ng tig-apat na boto.

Ang listahan ay naisumite na sa Malacañang.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayroon 90 araw para humirang ang pangulo ng bagong miyembro ng Korte Suprema magmula nang ang posisyon ay mabakante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?