48

May 20, 2020 @ 17:20
By

10 kalye sa Baclaran, ila-lockdown

Simula Mayo 21 ng alas-sais ng umaga ay ilalagay sa “calibrated lockdown” ng Parañaque City government ang sampung kalye sa Baclaran.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, ang tatlong araw na locdown na magtatapos sa Mayo 23 ng 6AM ay upang makapagsagawa ng isolation at mass testing.

“Immediate intervention for mass testing, isolation, and quarantine is of an urgent need to avert the possibility of increasing into a widespread magnitude in Barangay Baclaran,” sabi ni Olivarez sa isang pahayag.

Sakop ng lockdown ang Area Zone 4: Bagong Sikat, Bagong Lipunan, Bagong Pag-asa, Bagong Ilog, E. Rodriguez, Bagong Buhay, Bagong Silang, Dimasalang Extension, Mabuhay at 12 de Junio.

Paliwanag ni Olivarez, tinawag na “calibrated lockdown” dahil nakatuon lang ito sa partikular na kalye o sitio sa loob ng barangay.

Sa lockdown, suspendido ang lahat ng quarantine pass.

Siniguro ni Olivarez na mamamahagi ang city government ng mga relief good at iba pang tulong sa mga apektadong residente.

Pansamantala ring sarado ang mga bangko, tindahan, gasolinahan, money remittance center at palengke sa Baclaran.

Sa ngayon ay nakapagtala ng 649 COVID-19 case sa Parañaque City kabilang ang 42 na nasawi at 355 na nakarekober.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?