76

Oct 22, 2017 @ 17:31

10-game losing streak nalasap ng UST

Napigilan ng National University Bulldogs ang kanilang dalawang sunod na talo matapos padapain ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa UAAP Season 80 basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Naukit ng NU ang 91-83 win kontra UST na nalasap ang kanilang pang-10 sunod na talo sa torneyo.

Pinangunahan nina Issa Gaye at Matt Sale ang opensiba ng NU sa second half para iangat ang kanilang record sa 4-6 at manatiling buhay ang pag-asa sa semifinals.

Ang Tigers naman ay muli na namang nasipa sa semifinals sa ikalawang sunod na season dahil sa 0-10 record.

Nagtala sina Gaye at Salem ng parehong 22 puntos, kung saan may sahog pa ang huli ng 10 rebounds.

Namuno naman sa Growling Tigers si Steve Akomo na may 16 points at 12 rebounds for UST habang nagdagdag ng 15 si Marvin Lee.

Scores:

NU 91 – Gaye 22, Salem 22, Alejandro 10, Abatayo 10, Joson 7, Mosqueda 5, Bartlett 5, Yu 5, Diputado 3, Aquino 2, Tibayan 0, Morido 0, Cauilan 0.

UST 83 – Akomo 16, Lee 15, De Guzman 14, Caunan 11, Faundo 8, Sta. Ana 6, Huang 6, Escalambre 3, Basibas 2, Soriano 2, Romero 0, Macasaet 0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?