17

May 20, 2020 @ 11:13
By

10 frontliners, nakitaan ng sintomas ng COVID-19

Isinailalim sa Person Under Monitoring (PUMs) ang 10 frontliners matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ang mga nasabing frontliners ay mga barangay health workers sa Barangay Gen. T. De Leon.

Tiniyak naman ng Valenzuela City Local Government Unit (LGU) na walang dapat ikabahala ang publiko, dahil kaagad na na-isolate ang 10 na dinala sa quarantine facilities sa Barangay Marulas at Dalandanan.

Kaagad na nagsagawa ng disinfection sa mga Barangay Gen. T. De Leon Health Center, upang masiguro na hindi kumalat ang virus, sakaling mag-positibo ang 10 health workers.

Muling nanawagan sa kanyang mga kababayan si Mayor Rex Gatchalian na manatili sa loob ng bahay kahit pa nasa modified enhanced community quarantine ang lungsod.

Nananatili pa ring liquor ban ang Valenzuela City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?