89

Feb 17, 2020 @ 15:34
By

10 ektaryang gubat, nilamon ng apoy sa Benguet

Nasunog ang halos 10 ektarya ng kagubatan sa bayan ng Sabangan, Poke, Benguet noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

Sa inisyal na report, ayon kay Police Regional Office-Cordillera officer P/Staff Sgt. Christian Carpio, nagsimula ang sunog sa forest area ng nasabing bayan at naapula bandang alas-4:30 ng hapon ng araw ding iyon.

Sinabi ni Carpio, inaalam pa ng Benguet Fire Depertment kung saan nagmula ang sunog at kung magkano ang nasira rito.

Samantala, ayon naman sa residente malapit sa Sabangan, maaaring nagmula sa “kaingin” ang sunog.

Ang “kaingin” ay pagsusunog ng mga kahoy na mga pinutol para malinis ang kagubatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?