116
10 drug smuggler nahatulan ng bitay sa Vietnam
May 17, 2019 @ 14:29
By

10 drug smuggler nahatulan ng bitay sa Vietnam

Sampung smuggler ng iligal na droga ang nasentensiyahan ng parusang kamatayan sa Hanoi, Vietnam.

Ayon sa ulat, napatunayang guilty sa pagpupuslit ng shabu, ketamine at ecstasy sa iba’t ibang bansa ang mga suspek sa pamamagitan ng tren.

Kinabibilangan ang mga suspek ng limang lalaki at limang babae na nahatulan ng kamatayan, habang ang dalawa pa nilang kasamahan ay habambuhay na pagkakakulong.

Malawakan umano ang isinasagawang drugs bust sa Vietnam kung saan sinumang mahuhuli na nag-iingat ng mahigit 600 gramo ng heroin o mahigit 2.5 kilo ng shabu ay mahaharap sa death penalty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?