54

Feb 28, 2020 @ 17:15
By

10 biktima ng human trafficking nasagip sa Tuguegarao

10 babae, kabilang ang isang 16 anyos, ang na-rescue ng National Bureau of Investigation-Region 2 (NBI-R2) sa magkakahiwalay na entrapment operation sa Tuguegarao City noong Miyerkules.

Ayon kay NBI-R2 officer Atty. Gelacio Bongngat, binubugaw umano ang mga babaeng nailigtas sa halagang P1,600 hanggang P2,000 sa customer ng dalawang bar sa Macapagal Street.

Sa report, ayon kay Bongngat, naaresto ang may-ari ng isang bar na si Romeo Soriano at cashier sa dalawang bar na sina Michelle Ramos at Amelita Clemente makaraang tumanggap ng marked money bilang kabayaran sa dalawang napiling babae ng NBI agents na nagpanggap bilang kustomer.

Dagdag pa ni Bongngat, nakatakbo ang ilan sa mga menor-de-edad na babae nang isagawa ang entrapment operation.

Giniit naman ng mga suspek na hindi nila alam na may menor-de edad na nagtatrabaho bilang Guest Relation Officer (GRO) sa bar.

Hinahanda na ng NBI-R2 ang kasong paglabag sa RA 9208 o Expanded Trafficking in Persons Act laban sa mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?