141,794

May 8, 2019 @ 15:58
By

10 best senatorial candidate, inilatag ng Simbahan

Pinasasama ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa banal na misa ang pagdaraos ng maayos at mapayapang halalan sa Mayo 13.

Kasabay nito’y inilatag ang 10 umano’y “best senatorial candidates” na dapat ihalal ng mga botante.

Sa isang pastoral letter noong Martes, hinikayat ni Tagle ang mga pari na mag-organisa ng Holy Hour, pagdarasal ng rosaryo o hindi kaya ay magsagawa ng triduum masses para sa eleksyon.

Kasabay nito, hinimok ni Tagle ang mga pari na ibahagi sa mga mananampalataya ang pagsusuri ng “People’s Choice Movement” sa mga kandidato sa pagka-senador,.

Ang “People’s Choice Movement” ay binubuo ng 130 lay Christian leaders at pumili sila ng umano’y best senatorial candidates na binubuo nina Gary Alejano, Bam Aquino, Neri Colmenares, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Grace Poe, Mar Roxas at Erin Tañada.

Pinili ang 10 batay sa apat na kategorya na character and honor; competence and abilities; faithfulness to public service; at faithfulness to God, the Constitution and the laws.

Nauna nang sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na may karapatan ang mga layko na makiisa sa isang ‘principled partisan politics’.

Nangangahulugan ito na ang mga Kristiyano ay maaaring mangampanya ng mga kandidatong itataguyod ang pananampalatayang Kristiyano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?