505

Oct 27, 2017 @ 13:13

10 batalyon ng sundalo vs armed groups, kasado na – new AFP chief

Sampung mga bagong batalyon ang bubuin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para ubusin ang lahat ng armadong grupo sa bansa.

Ayon kay AFP chief of staff Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero na pormal ng nanungkulan kahapo, kasama sa mga tatargetin ng pinalakas na kampanya ng AFP ang New Peoples Army (NPA), mga terrorista at lahat ng lawless armed groups.

Ito ay matapos ang tagumpay ng AFP sa giyera sa Marawi kung saan epektibong nabura na sa mapa ang Maute terror group.

Tiniyak ng opisyal na sisikapin nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya para ma-neutralize ang mga threat groups na ito sa loob ng dalawang buwan.

Ang limitadong panahon ay dahil nakatakda na ring magretiro sa serbisyo si Guerrero sa Disyembre, kung hindi ma-eextend ang kanyang termino.

Kaugnay nito, ibinigay ni Guerrero ang kanyang marching orders sa mga tropa na ipagpatuloy ang kampanya laban sa mga threat groups at panatilihin ang pressure sa mga kalaban. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?