By

10 batalyon ng AFP, isasabak kontra NPA

Sharing is caring!

Nakabuo na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng limang batalyon mula sa sampung batalyon na bubuuin ng militar kontra sa New People’s Army (NPA) na patuloy na namamayagpag sa bansa.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Marine Col. Edgard Arevalo, isa sa limang bagong batalyon ay ang 89th Infantry Battalion na naka-deploy na.

Ang apat pang binuong battalion ay ang 88th Infantry Battalion, 90th Infantry Battalion, 91th Infantry Battalion at 5th Scout Ranger Battalion na nakatakda namang i-deploy sa buwan ng Enero sa susunod na taon.

Aayusin naman ang lima pang batalyon sa unang bahagi ng taong 2018.

Ang lima pang batalyon ay kukunin sa ire-recruit na 2,500 na sundalo para sa 13,000 na quota nila para mag-recruit ngayong taon.

Sa kabila naman ng pagbuo ng sampung batalyon para labanan ang NPA, kinumpirma naman ni Arevalo na dumarami na ang mga sumusukong rebelde. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?