16
dilg

10 barangay officials ng Masbate, kinasuhan ng DILG

Sharing is caring!

Nagsampa na ng reklamo ang Department of Interior and Local Government laban sa ikalawang batch ng mga barangay chairmen dahil sa pagkabigo ng mga ito makabuo ng kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) matapos silang maluklok sa kanialng mga posisyon.

Pinangunahan ni DILG Assistant Secretary RJ Echiverri ang paghahain ng kasong administratibo laban sa sampung kapitan ng barangay sa lalawigan ng Masbate sa tanggapan ng Office of the Ombudsman.

Ang mga barangay officials na kinasuhan ng paglabag sa ‘misconduct of office and dereliction of duty’ ay ang mga sumusunod:

Talabaan chairperson Luna Gracio

Gumahang chairperson Rodolfo Tolero

Nabongsoran chairperson Leo Cabarles

Mariposa chairperson Charles Guya

Manamoc chairperson Jerry Enolba

San Isidro chairperson Alson Bertuldo

Balawing chairperson Leonides Villar Dones Jr.

Bagauma chairperson Emerson Fajel

Lanang chairperson Caesar Castillo

Bulalacao chairperson Lourdes Arguilles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?