101

Mar 3, 2020 @ 22:37
By

10-araw na leave incentive ng mga empleyado, lusot sa Kamara

Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong itaas sa sampung araw ang service incentive leave ng mga empleyado.

Sa botong 197-0, nakalusot na sa kapulungan ang House Bill 1338.

Inakda ito nina Baguio City Representative Mark Go, Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte at 12 pang mambabatas.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng empleyado na umabot na ng isang taon ang serbisyo ay kuwalipikado sa taunang service incentive na sampung araw na may bayad.

Batay kasi sa kasalukuyang Article 95 ng Presidential Decree No. 442, binibigyan lang ng limang araw na service incentive leave ang mga empleyado.

“The granting of paid leaves is not only beneficial to the employees but economically advantageous for employers as well. Such incentives boost the morale and satisfaction of employees which are manifested in increased productivity,” paliwanag ni Go.

“Leave credits also minimize the risk of health and safety issues among employees which may even be more costly for both employees and employers in the long run,” dagdag pa niya.

Hindi naman nito sakop ang mga empleyado na mayroon nang at least 10 araw na vacation leave with pay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?