17

Dec 3, 2020 @ 12:29
By

10 anyos pwede sa mall sa Cavite

Pinapayagan na ng Cavite government ang mga residenteng edad 10 pataas na pumasok ng mga mall basta may kasamang guardian.

Ayon pa kay Cavite governor Jonvic Remulla, pwede na ring pumunta ng mall ang mga senior citizen na 60 taong gulang pataas kahit walang kasama.

“Ang mga accompanied minor na puede pumasok ng mall must be 10 and above. Ang mga senior citizen (60 up) ay puedeng hindi accompanied sa mall,” ani Remulla sa Facebook, Disyembre 3.

Unang sinabi ng gobyerno na papayagan ang mga menor de edad sa general community quarantine (GCQ) areas na pumasok sa mall basta kasama ang kanilang magulang. Pero kailangan ng lokal na ordinansa bago maging epektibo ang patakarang ito, ayon sa Joint Task Force COVID Shield.

Samantala, nagkaisa ang mga alkalde sa Metro Manila na bawal pa ring lumabas ng bahay ang mga menor de edad at bawal pa rin ang mga itong pumasok sa mga mall, liban na lang kung essential trip ito gaya ng medical appointment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?