291

Jan 2, 2018 @ 13:52

10-anyos na batang lalaki nalunod sa Cavite

Patay ang isang 10-taong gulang na bata matapos malunod sa ilog na may lalim ng 15 talampakan sa Dasmarinas, Cavite.

Sa report ng Unang Balita ng GMA 7, naglalaro umano si Janjan Hizon sa gilid ng ilog nang bigla itong malaglag sa tubig hanggang sa malunod.

Dalawang oras bago nakuha ng mga rescuers ang bata sa ilog.

Isinugod pa ito sa ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?