155

Jan 1, 2018 @ 15:19
By

10-anyos na bata tinamaan ng ligaw na bala sa Caloocan

Sugatan ang isang 10-taong gulang na batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala habang ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima si Joven Earl Gaces, residente ng Barangay 31, Maypajo ng nasabing lungsod.

Sabi ng ina nitong si Malou, nangyaring ang insidente sa kanilang lugar habang nakikipaglaro sa kanyang mga kapitbahay dakong ala-una ng umaga.

Nagulat na lamang siya nang sabihan ng kapitbahay na may dugong duamdaloy sa katawan ng kanyang anak.

Agad nitong isinugod ang kanyang sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMMC) at nakumpirmang may tama ito baril sa kanyang kanang balikat.

Kuwento ni Malou, bago ang insidente, narinig niya ang pag-aaway ng dalawa niyang kapitbahay na lalaki at ilang sandali lamang ay nakarinig siya ng putok ng baril.

Pero hindi niya akalain na tinamaan na pala ang kanyang anak na naglalaro ng oras na iyon.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang taong nagpapaputok na baril ng oras na iyon. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?