43

Dec 14, 2017 @ 17:49
By

1-year martial law extension, iaakyat sa SC

Kukuwestyunin ng grupong Magnificent 7 sa Kamara ang pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ihahain nila sa Supreme Court ang petisyon sa susunod na linggo o bago magpasko.

Pangunahing argumento aniya dito ang kawalan ng constitutional basis ng patuloy na implementasyon ng batas militar sa Mindanao dahil wala namang rebelyon o pananakop.

Lalong wala umanong basehan na ipagpatuloy pa ito ng isang taon dahil banta pa lamang naman ng karahasan ang gustong agapan ng militar.

Sinabi ni Lagman na walang ligal na basehan ang pagpapalawig ng isang taon sa martial law dahil lagpas ito sa limitasyong itinatakda ng saligang batas.

Kung hindi aniya mapipigilan ang ganitong pag-abuso ay wala nang pipigil sa walang tigil na kaka-extend sa batas militar.

Binanggit ni Lagman na hindi lamang sila sa Magnificent 7 ang magpepetisyon sa Supreme Court kundi may iba pang kongresista na sasama dito pero tumanggi itong banggitin kung sino-sino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?