21

By

1-year martial law extension dahil sa banta ng terorismo – DILG

Sharing is caring!

Nagpapatuloy ang banta ng terorista partikular na ng mga natitirang miyembro ng Maute-ISIS groups sa Mindanao.

Ito ang dahilan kaya inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalawig pa ng hanggang isang taon sa umiiral na martial law sa Mindanao.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Jonathan Malaya, sinabi ni OIC Catalino Cuy na bukod sa banta pa rin ng terorista sa Mindanao, may gagawing rehabilitasyon sa Marawi kaya inirekomenda ng PNP ang isang taon pang extension ng martial law.

“As per OIC DILG Cuy, the recommendation is based on the need to address the continuing threats of terrorists/extremist groups in Mindanao, particularly remnants of the Maute-ISIS groups which have yet to be completely neutralized and to facilitate Marawi rehabilitation which is a top priority of the Duterte administration,” sabi ni Malaya.

Sa ngayon umaasa ang DILG na aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?