22

Apr 6, 2020 @ 15:44
By

1 toneladang pakwan, ipinamigay ng magsasaka

Hindi inisip ng isang magsasaka ang kumita ng pera , bagkus nagpasya itong ipamigay na lang sa mga medical frontliners ang isang toneladang pakwan at mga gulay na inani para lang makatulong.

Ang magsasakang si Dennis Adriano mula sa Ilocos Norte ay namahagi ng kanyang inaning kamatis, repolyo at iba pang mga gulay sa kanyang mga kabaryo at mga medical fronliners na humaharap sa COVID-19.

Sabi ng magsasaka, mas nais daw niyang ipamigay ito para makatulong sa kanyang mga kababayan na walang makain dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), keysa sa masira, lalo na ngayong tag-init.

Nagpasalamat naman ang kanyang mga kababaryo pati na ang mga frontliners sa kababaang loob ni Adriano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?