133

By

1 tonelada ng shabu naitakas sa Cavite

Sharing is caring!

Dinatnan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang apat na magnetic lifters na wala nang laman na iligal na droga sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Sa press briefing, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang natagpuang magnetic lifters sa isang warehouse sa Barangay F. Reyes sa GMA noong Agosto 9 ay kapareho ng nasabat sa Manila International Container Terminal (MICT) noong Martes.

Sinalakay nila ang naturang bodega matapos silang impormahan ng caretaker hinggil sa lifters na darating ng Hunyo pero naitakas na ang laman nito nang makarating ang PDEA sa lugar.

Sa ginawang imbestigasyon, walang nakitang nalalabing shabu sa lifters pero naamoy ng K-9 units ang bakas ng iligal na droga.

Ayon pa sa ahensiya, ang naturang lifters ay naglalaman ng isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon.

Nalulungkot umano sila dahil naitakas ang malaking halaga ng shabu na maaaring ibinebenta na sa mga kalsada.

Base sa inisyal na impormasyon, galing ang mga droga sa Taiwan at China kung saan ginagamit ng mga sindikato ang Malaysia bilang trans-shipping point.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?