By

1 todas sa emergency landing ng Southwest Air jet sa Philadelphia

Sharing is caring!

Isang pampasaherong US jet ang nag-emergency landing sa Philadelphia Airport matapos ang pinaniniwalaang pagputok ng kaliwang makina nito.

Ang eroplano ng Southwest Airlines ay nabatid na galing sa La Guardia Airport sa New York papunta sa Dallas, Texas at may sakay na 143 passahero at 5 crew nang magka-aberya ang isa sa makina nito

Matagumpay na nakalapag ang Boeing Co 737-700 sa paliparan, pero base sa inisyal na ulat ng National Transportation Safety Bureau (NTSB), isa ang namatay sa insidente.

Sa salaysay ng mga pasahero bigla silang nakarinig ng malakas na pagputok at ingay sa labas ng eroplano.

Nabatid na nagka-gutay gutay ang kaliwang makina ng eroplano at ang ibang deris nito ay pumasok sa loob ng fuselage at sumugat ng pasahero

Ilang sandali na nawalan ng kontrol ang eroplano habang inabisuhan ng crew ang mga pasahero na maghanda sa pagsalpok nito.

Dumating na ang National Transport Safety Bureau (NTSB) sa Philadelphia para imbestigahan ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?