154

Apr 14, 2020 @ 22:24
By

1 taong suweldo, dinonate ni Sara Duterte para sa mga health worker

Hindi nagdalawang-isip si Davao City Mayor Sara Duterte na ipaubaya ang isang taong sahod niyang aabot sa P2.1 milyon sa mga hospital staff na nakikipaglaban sa COVID-19.

Ani Duterte, binigay niya ang P2,144,266 na sahod para makalikha ng trust fund para sa staff ng Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Nabahala aniya siya dahil 12 empleyado ng nasabing ospital ang na- infect na ng coronavirus disease.

Ang SPMC ang nag-iisang COVID-19 hospital sa Davao at test laboratory sa Mindanao.

Ayon sa mga health official, may 90 nang kumpirmado ng COVID sa Davao region habang 15 na ang namatay sa Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?