89

1-taong McDo fries, masama sa kalusugan – netizen

May bagong pakulo ang McDo sa Twitter ngayong National French Fry Day na kinabaliwan ng mga netizen.

Ngunit hindi lahat ay sang-ayon sa pa-promo ng sikat na fastfood chain.

Sa social media, trending ang McDo dahil mamimigay sila ng 1-year French fries supply sa lucky winner basta’t gamitin ang #McDoFries.

Ayon kay @gisellesimple, nakakasama sa kalusugan ang 1-taong libreng French fries at nagrekumenda na palitan na lang ito.

Bukod pa sa naturang promo, may isa namang nakapansin na tila pumapayat na ang patty sa burger ng McDo.

Ilan pa sa reklamo ay sa delivery at system ng McDo na bumabagal umano.

At hindi pa rin nawawala ang patutsada sa milktea ng McDo na umaani ng kritisismo buhat ng ilabas ito sa merkado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?