51

Dec 13, 2017 @ 14:27
By

1-taon na martial law extension sa Mindanao, aprub sa Kongreso

Sa botong 240-27, inaprubahan ng Kongreso sa isang joint session kanina ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-extend ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2018.

Sinang-ayunan ang kahilingan ni Duterte tatlong linggo bago magtapos ang unang ekstensiyon na binigay ng Kongreso.

Mayo 23 nang ideklara ni Duterte ang 60-araw na martia law sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute sa Marawi City

Hulyo 22, binigyan ng Senado at Kamara ang kahilingan ng administrasyon na palawigin ang martial law hanggang katapusan ng taong ito.

Sa panig ng Senado, 14 ang pumabor habang apat naman ang kontra. Sa Kamara, 226 ang sumang-ayon sa martial law extension habang 23 kongresista naman ang tumutol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?