44

Jul 2, 2020 @ 18:46
By

1 sundalong napatay sa pamamaril sa Sulu, binistay ng 8 bala

Lumabas sa isinagawang awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI), na isa sa apat na sundalong napatay ng mga pulis sa Sulu shooting incident ang nagtamo ng walong gunshot wounds.

Dalawa naman sa mga nasawing sundalo ang nagtamo ng tatlong gunshot wounds, dagdag ni NBI Spokesperson Ferdinand Lavin.

Ang ikaapat na biktimang si Cpl. Abdul Asula ay hindi na naisailalim pa sa awtopsiya dahil batay sa Muslim tradition ay agad itong inilibing.

Isusumite ang preliminary findings sa regional office ng NBI sa Western Mindanao.

Noong Hunyo 29, apat na sundalo mula sa 9th Intelligence Service Unit ng 11th Infantry Division ang napatay sa police operation sa Jolo.

Ayon sa Philippine National Police, hindi “misencounter” kundi shooting incident ang nangyari na kinasasangkutan ng siyam na pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?