1 sugatan sa sumalpok na SUV sa truck

Sharing is caring!

Sugatan ang isa matapos bumangga ang isang itim na Mitsubishi Montero sa isang trailer truck sa kahabaan ng Capulong Road 10 sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw, Enero 13.

Kuwento ng driver ng truck na si Leo Tiangga, nakahinto sila sa stop light nang magulat na lang siyang may bumangga sa likod ng kanyang sasakyan, sa ulat ng DZMM.

Nang kanyang tignan, nakita niya ang isang kotseng Montero at driver nito na nagdudugo umano ang ilong at may mga sugat sa braso.

Ayon kay Tiangga, biglang nawala ang driver ng SUV at hindi nila tiyak kung umuwi ito o pumunta ng ospital.

Hinala ng tsuper ng truck, maaaring nakainom ang driver ng SUV o nakatulog ito sa biyahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?