22

Nov 25, 2021 @ 13:22
By

1 sawi, 1 sugatan sa pamamaril sa Caloocan

Isang lalaki ang nasawi habang sugatan naman ang babaeng kasama nang pagbabarilin ito sa Caloocan nitong Miyerkoles.

Pinagbabaril ang dalawa ng hindi pa nakikilalang gunman sa kahabaan ng 5th Avenue at M.H. Del Pilar Street sa Grace Park.

Sakay ng puting Toyota HiAce van ang mga biktima at dalawang kasamahan patungong Valenzuela City nang paputukan ng suspek ang kanilang sasakyan, ayon sa ulat ng DZRH.

Dead on the spot ang lalaki habang isinugod sa ospital ang babae dahil sa natamong sugat sa bala.

Hindi naman nasaktan ang dalawa pa nilang kasama.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pamamaril. Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspek. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?