9

Nov 13, 2020 @ 11:13
By

1 sa Marikina dedo sa baha

May isang indibidwal na pumanaw sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses sa Marikina City.

“I am very sad to announce that we have one fatality. Naaksidente siya sa Barangay Malanday,” lahad ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa CNN Philippines’ The Source, Biyernes.

“Habang lumilikas siya, nadulas siya pagbaba doon sa hagdan nila at bumagsak siya sa tubig-baha. Nalunod siya instantly,” aniya pa.

Sinailalim sa state of calamity ang Marikina dahil sa matinding pagbaha roon at pag-apaw ng Marikina River na parehong dulot ng nasabing bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?