21
army3

1 sa dinukot ng Abu Sayyaf sa Sulu, nasagip

Sharing is caring!

Nailigtas ng tropa ng Marine Battalion Landing Team 3 ang isa sa mga dinukot ng bandidong Abu Sayyaf noong Abril 29 malapit sa Jolo Airport.

Ayon sa ulat, dakong alas-dos ng hapon noong Mayo 8 na-rescue si Blas Jackosalim Ahamad, residente ng Sitio Palar, Barangay Gandasuli, Patikul, Sulu, sa Sitio Budjang, Barangay Libog Kabao, Panglima Estino.

Dinukot sina Ahamad, Faizal Ahidji, PO2 Benierose Alvarez, at PO1 Dinah Gumahad ng Abu Sayyaf sa pamumuno ni sub-leader Almujer Yadah.

Agad umanong isinailalim si Ahamad sa medical examination sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista hospital bago ito kinausap sa JTF Sulu headquarters sa bayan ng Busbus.

Nakatulong umano ang impormasyong ibinigay ni Faizal Ahidji, na pinakawalan ng ASG sa Sitio Daang Puti, Barangay Bangkal, Patikul, Sulu dakong alas-siyete ng gabi noong Sabado, sa pagsagip kay Ahamad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?