abante jail crime paranaque
By

1 sa 4 na nangholdap sa gotohan sa Parañaque, tiklo

Sharing is caring!

Nadakip na ng mga awtoridad ang isa sa apat na suspek na nangholdap sa isang gotohan sa Parañaque noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Jesrell Arador na nagtamo ng sugat sa braso nang mahulog sa isang bahay matapos makipaghabulan sa mga tumutugis na mga pulis.

Nakuha ng mga pulis kay Arador ang 38 revolver na ginamit nito sa panghohodap sa gotohan.

Isang saksi ang nagturo kay Arador na isa sa apat na lalaking nagholdap sa naturang gotohan noong Huwebes. Pinaghahanap pa ng mga pulis ang tatlo nitong kasama. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?