36
jail

1 preso patay, 3 pa naospital dahil sa siksikang selda

Isinugod sa ospital ang apat na bilanggo sa Caloocan City Jail matapos mawalan ng malay.

Ayon sa ulat, dinala sa Caloocan Medical Center nitong Martes ng gabi ang tatlong preso matapos mangitim, mawalan ng malay at halos hindi na humihinga.

Samantala, Miyerkules naman ng umaga, nahirapang huminga at isinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival ang preso na nakilalang si Nelson Sildora.

Ang siksikang selda ang tinitignang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang mga preso dahil nasa 170 na bilanggo ang nakakulong ngayon dito samantalang 70 lang umano ang kapasidad nito.

Kaugnay nito, inihiwalay na ang apat pang preso dahil maaaring mahirapan din ang mga itong huminga sa init ng panahon dahil karamihan sa kanila ay may pigsa at high blood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?