9

Jul 20, 2021 @ 15:08
By

1 positibo sa close contact ng Delta patient sa Maynila

Isa ang nagpositibo sa COVID sa mga taong naging close contact ng dalawang naitalang kaso ng Delta variant sa Maynila, ayon sa Manila Health Department (MHD).

Ayon sa MHD, agad na isinailalim sa RT-PCR test ang mga close contact na matagumpay namang nahanap sa contact tracing. Isa lamang ang nagpositibo sa COVID at negatibo na ang iba.

“Ang ating mga content or sample ay ipinadadala natin sa genome center or genome sequencing,” wika ni Manila mayor Isko Moreno.

“I was told by the Manila Health Department through Dr. Ed Santos at siya ay nakipagugnayan kaagad sa ating Manila RT-CPR laboratory at lumalabas ay ‘yong Cycle threshold (Ct) value na ang isang content ng positibo kapag ito ay 20 above ibig hong sabihin hindi na kailangang dalhin sa genome center ‘yung specimen na ‘yon. Ngunit kung ito naman po ay 20 below ay kailangan pong dalhin sa genome center for genome sequencing,” dagdag pa ng alkalde.

Siniguro rin ni Moreno na wala pang bagong kaso ng Delta variant sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?