33

Oct 14, 2021 @ 21:39
By

1 patay sa sunog sa Baseco

Isa ang nasawi sa naganap na sunog sa Baseco Compound sa Maynila.

Ayon sa ulat, tumagal ng halos tatlong oras ang sunog kagabi, Oktubre 13.

Batay sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nagsimula ang sunog bandang alas-6:44 ng gabi sa dalawang palapag na bahay.

Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog ng alas-6:59 ng gabi at tuluyang naapula ng alas-9:31 ng gabi.

Nasa 100 bahay ang natupok sa sunog kung saan 194 pamilya ang kasalukuyang nasa Baseco Evacuation Site ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?