179

Oct 29, 2019 @ 14:52
By

1 patay sa malakas na lindol sa Cotabato

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Cotabato nitong Martes ng umaga.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), namatay ang isang lalaki matapos ang lindol na tumama sa Tulunan alas-9:04 ng umaga.

Kinilala ng NDRRMC ang biktima na si Nestor Narciso, 66, na mula sa Koronadal City.

Nasa 30 katao rin umano ang sugatan sa Kidapawan City habang 13 iba pa ang sugatan sa M’lang North Cotabato.

Naramdaman din ang lindol sa kalapit na mga lalawigan at lungsod kabilang na ang Davao City.

Samantala, naramdaman din ang Intensity VII sa Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani; Intensity VI sa Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City; Intensity V sa Tampakan,Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani; Intensity IV sa General Santos City; Kalilangan, Bukidnon.

Tumama naman ang Intensity III sa Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte; Zamboanga City; Dipolog City; Molave, Zamboanga del Norte; Talakag, Bukidnon habang Intensity I sa Camiguin, Mambajao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?