66

Feb 20, 2020 @ 22:19
By

1 patay sa coronavirus sa South Korea

Kinumpirma nitong Huwebes, Pebrero 20 ng South Korea ang unang namatay sa kanilang bansa dahil sa coronavirus.

Maliban sa death toll, sumampa pa sa 104 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa matapos itong madagdagan ng 22 pasyente nitong araw, ayon sa The Star.

Hindi na idinetalye pa ng Korea Centers for Disease Control and Prevention ang tungkol sa nasawing biktima.

Karamihan ng naitalang kaso ay sa siyudad ng Daegu, na iniuugnay sa mga pagtitipon sa mga simbahan.

Samantala, giniit ni Daegu Mayor Kwon Young-jin sa 2.5 milyon niyang mamamayan na iwasan na ang lumabas ng bahay dahil sa pagtaas ng bilang ng mga infected.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?