By

1 patay kada linggo sa Mindanao Martial Law – human rights group

Sharing is caring!

Isinumite na ng grupong Karapatan sa United Nations at Commission on Human Rights ang nakalap nilang datos ukol sa mga paglabag sa karapatang-pantao sa pagiral ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon sa naturang human rights group, simula nang magdeklara ng Batas Militar si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindnao, 49 na ang namatay sa rehiyon.

Magugunita na agad nagdeklara ng Martial Law sa rehiyon si Pangulong Duterte nang kubkubin ng IS-inspired Maute Group ang Marawi City isang taon na ang nakakalipas.

Paniwala ng Karapatan ang mga naitala nilang extra judicial killings ay may kaugnayan sa Martial Law.

Sinabi ni Cristina Palabay, secretary general ng grupo, na karamihan sa mga pinatay ay katutubo o mga magsasaka.

Iginiit nito na isinisisi nila sa ‘war on terror’ ng Pangulo ang mga pagpatay.

Bukod pa dito, nagagamit din counter insurgency program ng AFP na Oplan Kapayapaan sa paghahasik ng lagim sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?