82

May 19, 2019 @ 12:15

1 patay, 8 sugatan sa pamamaril sa high school graduation party

Patay ang 1 habang 8 ang sugatan nang magkagulo sa isang high school graduation party na humantong sa pamamaril.

Naganap ang insidente sa dating Escambia County Middle School sa Alabama na ngayon ay nagsisilbing community center ng Lungsod.

Nakatanggap umano ang mga awtoridad ng 911 call dakong alas-2 ng umaga. Nang dumating ang mga pulis ay natagpuan nila ang isang patay na lalaki sa cafeteria ng naturang building. Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng biktima.

Ayon sa mga saksi, ang barilan ay nagsimula matapos ang away na naganap sa pagitan ng dalawang babae.

Saad ni Atmore Police Chief Chuck Brooks, wala pa silang naaresto sa ngayon ngunit pinaghahanap na ng kapulisan ang dalawa. (Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?